
Ayon sa Social Weather Stations (SWS), 38% ng mga Pilipinong edad 18 pataas ang naniniwalang gaganda ang kanilang kalidad ng buhay sa loob ng susunod na 12 buwan.
Tinawag na “optimists” ang mga umaasang bubuti ang kalagayan, habang 32% ang nagsabing mananatili lang ang kanilang sitwasyon, 16% ang “pessimists” o umaasang lalala pa ang buhay, at 14% ang hindi sumagot.
Dahil dito, naitala ang net personal optimism na +23, na itinuturing na “high,” ngunit mas mababa kumpara sa +36 noong Nobyembre 2025.
Ayon sa SWS, bumaba ang optimism sa lahat ng rehiyon maliban sa Visayas, na nanatiling mataas sa +27 mula +29.
Isinagawa ang survey mula Marso 24 hanggang 31, 2026, sa 1,500 respondents sa buong bansa.
-- ADVERTISEMENT --










