Nag-anunsyo ang mga kumpanya ng langis nitong Lunes ng panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo, habang may rollback naman sa kerosene.

Ayon sa Petron Corp., Seaoil Philippines Corp., at Shell Pilipinas Corp., tataas ang presyo ng gasolina ng ₱1.21 kada litro at diesel ng ₱2.82 kada litro, habang bababa naman ang kerosene ng ₱2.11 kada litro.

Magkakaroon din ng kaparehong galaw ng presyo ang Unioil Petroleum Philippines Inc., maliban sa kerosene na hindi nito ibinebenta.

Epektibo ang mga price adjustment bukas, araw Martes, Mayo 19, 2026, alas-6 ng umaga.

Ito na ang ikaapat na sunod na linggong may pagtaas sa presyo ng gasolina.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa mga naunang ulat, ang paggalaw ng presyo ay may kaugnayan sa muling pagtaas ng geopolitical risks sa Middle East.