Muling nakuha ng Tabuk City, Kalinga sa ikalawang pagkakataon ang prestihiyosong ASEAN Clean City Tourist Award.

Ito ay pagpapatibay sa tuloy-tuloy na commitment ng Tabuk City sa kalinisan, sustainability, at responsible tourism.

Ang pagkilala ay nagpapakita sa nagkakaisang pagsisikap ng pamahalaang panlungsod, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Darwin Estraño, kasama ang Office of the City Tourism and Cultural Affairs na pinamumunuan ng City Tourism Officer Arlene Ethel B. Odiem.

Sa pamamagitan ng consistent policies, communication participation, at environmental programs, pinatunayan ng Tabuk City ang progreso at pagpreserba ay makakamit sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa.

Ang Tabuk City ay isa sa limang lungsod sa bansa na napili na makatanggap ng award sa isasagawang seremonya sa Cebu.

-- ADVERTISEMENT --

Ang ASEAN Clean Tourist City Award ay isang regional recognition na ipinagkakaloob sa mga lungsod sa Southeast Asia na nagpapakita ng excellence sa urban cleanliness, environmental management, waste disposal, green spaces, public safety, at sustainable tourism practices.

Layunin nito na hikayatin ang mga lungsod na lumikha ng ligtas, malinis, at environmentally friendly destinations.