Idineklara na ng PAGASA ang pagsisimula ng dry season o ang mainit na panahon sa bansa.

Ito ay nang kumawala na ang hanging amihan o Northeast Monsoon na nagdadala ng malamig na panahon at napalitan na nang pagpasok ng easterly dahil sa pagkakaroon ng High Pressure Area (HPA) sa may hilagang kanlurang Pasipiko.

Dulot nito, asahan na ang maalinsangang panahon at ihip ng mainit na hangin sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na kung walang gagawin ay iwasan ang paglabas ng bahay mula 10am-4pm para makaiwas sa anumang sakit na maaaring dalhin ng mainit na panahon tulad ng mga sakit sa balat, heat cramps at heat stroke.

Kung lalabas ng tahanan ay magsuot ng maaliwalas na damit at ugaliing magdala ng inuming tubig para iwas dehydration.

-- ADVERTISEMENT --