
Idineklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
Ayon kay Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, base sa latest weather analysis at rainfall data mula sa selected DOST-PAGASA stations, ang pagkakaroon ng malawakang kalat-kalat na pag-ulan na naobserbahan sa nakaraang limang araw dulot nang habagat ang batayan nang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.
Hudyat na ito ng pag-uulan sa bahagi ng Western section ng Luzon at Visayas.
Patuloy namang pinaalalahan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat at maging handa sa anumang epekto ng pag-ulan, habagat at iba pang weather disturbance.