Tuguegarao City- Nakalabas na ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang isang COVID-19 survivor matapos itong mag-negatibo sa kanyang 2nd swab test.

Tulad ng nakasanayan, isang send-off ceremony ang ibinigay ng hospital staff kay PH7918 sa kanyang paglabas sa ospital bago umuwi kanilang bahay sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, bagamat negatibo na sa sakit ay kailangan pa ring imonitor ang pasyente at isasailalim sa 21 days quarantine.

Pagkatapos ng mandatory quarantine ay muli itong babalik sa CVMC para sa kanyang check-up.

Sa kasalukuyan, dalawang COVID-19 patient na lamang sa probinsya ang nananatili at ginagamot sa CVMC kabilang ang 25 suspected cases at isang probable case kung saan hinihintay pa ang resulta ng kanilang mga swab test.

-- ADVERTISEMENT --