
Mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang si Claro “Lito” De Veterbo Jr., ang Guinness World Record holder na kinilalang “Fastest Person to Cross the Philippines on Foot.”
Naitala ni De Veterbo ang rekord matapos niyang malakad ang ruta mula Pagudpud, Ilocos Norte hanggang Glan, Sarangani.
Bukod sa kaniyang world record feat, kinilala rin ng pangulo ang adbokasiya nitong “Leave No Trace” na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at responsableng turismo.
Ayon kay De Veterbo, layunin ng kaniyang kampanya na hikayatin ang publiko na bawasan ang basurang iniiwan sa kapaligiran lalo na sa outdoor activities at mga biyahe.
Nagsimula ang kaniyang paglalakbay noong Pebrero 9, 2025 at natapos noong Hulyo 6, 2026, matapos ang 147 araw na paglalakad.










