photo credit to Tuguegarao City Information Office

TUGUEGARAO CITY-Ipinasara ng Business Permit and Licensing Office (BPLO)-Tuguegarao ang isang establishimento dahil sa kakulangan ng permit.

Ayon kay Andy Baccay , head ng BPLO-Tuguegarao, bago ang pagpapasara sa tailoring shop ay binigyan ng kanilang tanggapan ang may-ari nang abiso para mag-comply.

Ngunit walang nahintay ang kanilang tanggapan na ipinasa ng nasabing establishimento na dahilan ng pagpapasara.

Paliwanag ni Baccay, kapag nabigyan ng business permit ang isang establishimento ay mayroong 45 hanggang 30 araw para mag-comply ng regulatory requirements tulad ng fire clearance, building clearance, sanitary at marami pang iba.

Aniya, mula nang magrenew ang nasabing establishimento nitong 2018 ay hindi na nagpasa ng mga regulatory requirements kung kaya’t ito’y ipinasara.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Andy Baccay

Samantala, sinabi ni Baccay na nasa humigit kumulang na 50 pa umano ang mga establishimento ang nakatakdang ipasara ng kanilang tanggapan kung hindi magco-comply sa mga kaukulang requirements.