Magtatag ang pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao ng Task Force Kontra Baha bilang pangmabilisang tugon sa taunang nararanasang pagbaha sa lungsod.

Ito ang inihayag ni Mayor Maila Ting-Que kasunod ng isinagawang kauna-unahang Kontra Baha Summit na dinaluhan ng mga opisyal ng technical working group ng Oplan Kontra Baha Task Force ng Department of Public Works and Highways (DPWH) central office.

Sinabi ni Mayor Ting-Que na maglalabas siya ng executive order na nag-aatas ng pagtatatag ng nasabing task force para mapalakas ang declogging activity o paglilinis sa mga drainage system at estero dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon sa alkalde, layunin nito na tukuyin ang obligasyon ng bawat sector at gumawa ng schedule ng paglilinis sa mga daluyan ng tubig bilag kagyat na solusyon sa isyu ng pagbaha sa lungsod .

Ito ay nakabatay sa iprinesenta ng DPWH central office na non-infra interventions kung saan gagamitin ang mga existing equipment ng ahensiya sa tulong ng iba’t-ibang sector sa pag-improve sa waterways habang wala munang construction ng flood control projects, na pansamantala munang itinigil dahil flood control anomaly.

-- ADVERTISEMENT --