Naka-red alert pa rin ang Task Force Lingkod Cagayan dahil sa bagyong Leon, kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Sinabi ni Arnold Azucena, head ng TFLC na naka-alerto pa rin ang pitong istasyon ng TFLC para sa posibleng epekto ng bagyong Leon.
Bukod dito, sinabi ni Azucena na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay hanggang sa araw ng mga kaluluwa at araw ng mga patay sa November 1 at 2.
Kaugnay nito, sinabi ni Azucena na tuloy pa rin ang kanilang trabaho, sa kabila na halos wala pa silang pahinga sa pagtulong sa rescue operations sa mga residente na binaha bunsod ng bagyong Kristine.
Ayon sa kanya, ang kanilang binabantayan ngayon ay ang mga bayan ng Baggao, PeƱablanca, at Claveria dahil sa mga posibleng landslides.
Kasabay nito, umapela siya sa mga residente na nasa tabi ng bundok at mga nasa mabababang lugar na lumikas na kung kinakailangan at huwag hintayin pa na may mangyaring pagguho ng mga lupa at pagtaas ng tubig-baha.