TUGUEGARAO CITY- Bubuo ng task force para matigil na ang problema sa insurhensiya dito sa lalawigan ng cagayan

Ito ang pangunahing tinalakay sa ipinatawag na pagpupulong ng pamahalaang panlalawigan kasama ang DILG Cagayan, Cagayan Police Provincial Office, Marine Battalion Landing Team, 17th Infantry Battalion ng Phil. Army at mga kinatawan ng civil society organization kahapon.

Mandato ng itatatag na Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict o ELCAC na makagawa ng mga hakbangin para tuluyan nang masupil ang pang- iimpluwensiya umano ng armado at makakaliwang grupo ng CCP NPA at NDF sa probinsiya

Kabilang sa mga naisip na programang tinalakay ay ang mga trabaho at livelihood projects na ipapamahagi ng pamahalaan sa mga magbabalik loob na rebelde.

-- ADVERTISEMENT --

Pangungunahan ni Gob. Manuel Mamba ang Task Force ELCAC ng kung saan alinsunod ito sa Executive Order 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makakatuwang naman ni Mamba ang mga departamento ng PPDO at PSWDO ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.