Naibenta na ng Bureau of Customs (BOC) ang tatlo mula sa labindalawang luxury vehicles na pagmamay-ari ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.

Nakakolekta ang BOC ng kabuuang P25.77 milyon mula sa mga isinubastang sasakyan na ite-turn over sa National Treasury para sa pondo ng mga proyekto at programa ng pamahalaan.

Naibenta sa Igorot Stone Kingdom Inc. ang Cadillac Escalade ESV 2022 sa halagang P6,623,000.

Ang naturang kompanya rin ang nakakuhs ng Rolls-Royce ng mga Discaya sa naunang auction noong Pebrero 11 sa halagang P29 milyon.

Samantala, nakuha ng Cantinetta Espresso Concepts ang Lincoln Navigator 2024 sa halagang P8,950,000, habang ang TDY Consumer Goods Trading ang nakabili ng Bentley Bentayga 2022.

-- ADVERTISEMENT --

Muli namang nabigo ang BOC na maibenta ang iba pang mamahaling sasakyan ng mag-asawa, kabilang ang GMC Yukon Denali 2022, Cadillac Escalade 2021, GMC Yukon XL Denali 2022, at anim pang iba.