Tuguegarao City- Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang tunay na nangyari sa pagbangga ng isang SUV sa poste ng kuryente sa Tuguegarao City kagabi na ikinasawi ng tatlong katao.

Gayonmanman,sinabi ni PLT. Franklin Cafirma ng PNP Tuguegarao, sa kanilang imbestigasyon, nasa impluensiya ng nakalalasing na inumin ang driver na si Rowel Bambilla.

Ayon sa kanya, nawalan umano sa kontrol ng manebela ang driver na bigla nitong makabig na dahilan ng aksidente na ikinasawi ng tatlong sakay nito na sina Alvin Dela Cruz ng Sto. NiƱo, Cagayan, Kenneth Maggay ng Tuguegarao Cityat Patrick Desuasido, tubong Bicol.

Nasa kritikal naman na kundisyon isa pang pasahero habang inaasahang makakalabas na ngayong araw sa pagamutan ang driver.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Cafirma na dahil sa lakas ng impact ng pagbangga, natumba ang kahoy na poste ng kuryente na dumagan sa isa pang kongkretong poste na dumagan naman sa dalawang nakaparadang kotse.