Tinatayang tatlong bagyo ang posibleng pumasok o mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Agosto.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), binabantayan ngayon na low pressure area na namataan sa extreme northern Luzon.
Ayon sa Pagasa, ang nasabing LPA na namataan kahapon ay may mataas na tsansa na maging isang bagyo sa loob ng 24 oras.
Bagamat wala namang direktang epekto ito sa ating bansa, sandaling papasok ito sa PAR bago lalabas ng bansa.
Kung lalakas ang LPA sa tropical storm, tatawagin itong “Fabian.”
Idinagdag pa ng Pagasa na inoobserbahan nila ang kumpol ng mga ulap sa silangan ng Mindanao sa potensyal na ito ay maging isang bagyo.
Batay sa kasaysayan, dalawa hanggang tatlong bagyo ang nabububo o pumapasok sa PAR sa buwan ng Agosto.
Kung may mabubuo pang na cyclones, tatawagin ang mga ito na “Gorio” at “Huaning.”
Samantala, tinaya ng Pagasa na unti-unting hihina ang monsoon sa susunod na mga araw, na magpapaganda sa ating panahon.