Tuguegarao City- Wala pang kumukuha sa bangkay ng tatlong miembro ng New People’s Army na napatay sa engkwentro sa Ilagan City, Isabela kahapon.

Kaugnay nito, sinabi ni BGEN Laurence Mina, Commanding Officer ng 502nd Infantry Brigade, na ililibing nila ang mga ito kung wala pa ring kukuha sa mga ito na nasa punerarya.

Matatandaan na nakasagupa ng mga sundalo ang nasa 30 NPA sa Brgy. Rang-ayan. Na tumagal ng 15 minuto.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M16 rifle at tatlong Caliber 45 pistol.

-- ADVERTISEMENT --