
Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa nangyaring pagsunog ng ina sa kanyang tatlong bago silaban ang kanyang sarili at sa kanilang bahay sa Santa Maria, Bulacan.
Dead on the spot ang isang taong gulang na lalaki habang ang kanyang dalawang kapatid na tatlo at anim na taong gulang at ang kanilang ina ay namatay sa ospital.
Bago pa man dumating ang mga bombero, naapula na ng mga kapitbahay ang apoy.
Ayon sa mga kapitbahay, nang may makita silang makapal na usok na nagmumula sa nasabing bahay, sinira nila ang padlock at doorknob para makapasok.
Sinabi nila na nahirapan silang huminga sa loob ng bahay dahil sa amoy ng mga kemikal at iba pang bagay na nasusunog.
Nakita ng mga imbestigador sa lugar ang dalawang botelya ng paint thinner at isang posporo.
Bago bawian ng buhay ang isa mga bata, nasabi niya sa mga rescuers ang nangyari.
Sinabi ni PLTCOL. Voltaire Rivera, Chief of Sta. Maria Police Station, sinabi ng bata na binuhusan umano sila ng paint thinner ng kanilang ina at sinilaban.
Naghain ang pulisya ng reklamong parricide laban sa ina subalit binawi din ito matapos siyang bawian ng buhay.
Nabatid na wala sa bahay ang ama ng tahanan nang mangyari ang insidente.