Tatlong kalalakihan na tulak ng droga ang nahuli sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Cagayan.

Unang nadakip sa Brgy. Bauan West, Solana, si alyas Hernan, isang Street Level Individual, 43-anyos, vendor, matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalaang shabu ang operatiba na nagpanggap na buyer.

Sa ikinasang operasyon ng Solana Police Station at ng Regional Drug Enforcement Unit, nakumpiska kay Hernan ang isang plastic sachet ng hinihinalaang shabu, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at P2,000 na boodle money, isang cellphone, at isang motorsiklo na ginamit sa transaksyon.

Hinuli naman si alyas Lance, 41-anyos, walang trabaho at residente ng Tuao sa isinagawang buy-bust operation ng Tuao Police Station.

Dalawang sachet ng hinihinalaang shabu ang nakuha mula sa suspek – isa mula sa aktwal na bentahan, at isa pa na nakuha sa kanyang pag-iingat.

-- ADVERTISEMENT --

Nakuha rin sa kanya ang buy-bust money na Php1,000 at isang cellphone.

Naging matagumpay din ang operasyon ng mga pulis ng Abulug, matapos na huliin si alyas Jerry, 30-anyos, na residente ng Ballesteros, Cagayan.

Hinuli siya matapos ibenta ang isang sachet ng hinihinalaang shabu kapalit ng Php1,000 sa isang undercover operative.

Nakuha pa sa kanya ang karagdagang dalawang sachet ng iligal na droga, cellphone, at motorsiklo.