Arestado ang tatlong indibidual na sangkot sa iligal na droga sa magkakahiwalay na operasyon matapos na isilbi ang search warrant kahapon.
Unang dinakip ang tinaguriang high value individual na residente ng bayan ng Sanchez Mira, matapos na makuha sa kanyang pag-iingat ang 12 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu at dalawang piraso ng puting papel na ginamit upang maitago ang mga drug items.
Nasa kustodiya ng PNP DEG-SOU2 ang suspek habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Regional Forensic Unit 2, Tuguegarao City, Cagayan para sa kinakailangang dokumentasyon.
Sumunod naman ang pagkakaaresto sa isang street level individual na residente ng bayan ng Sta. Ana.
Dalawang magkaibang search warrant ang isinilbi laban sa suspek – una ay paglabag sa Section 11 at 12 ng RA 9165, at pangalawa ay paglabag sa RA 10591.
Nasamsam sa kanya ang mga sumusunod:
a) Tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu;
b) Anim na bala ng .45-caliber;
c) Isang black sling bag;
d) Isang rolyo ng aluminum foil;
e) Limang strip ng used aluminum foil; at
f) Isang walang lamang pakete ng sigarilyo.
Ang pangatlong naaresto residente ng bayan ng Enrile, kung saan dalawang search warrant din ang isinilbi laban sa kanya na paglabag sa RA 10591 o may kaugnayan sa iligal na pag-iingat ng armas at RA 9165 o may kaugnayan sa droga.
Nasamsam mula rito ang mga sumusunod:
a) Tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu;
b) Isang walang lamang pakete ng sigarilyo;
c) Isang unit ng magnum .357 revolver na may anim na bala;
d) 26 na basyo ng bala para sa nasabing revolver na nakalagay sa Kipling pouch;
e) Isang bala para sa .45-caliber na nasa isang pouch;
f) Apat na dagdag na bala ng magnum .357 sa itim na pouch;
g) Apat pang basyo ng magnum .357 at walong bala para sa parehong revolver na nakalagay sa black/yellow pouch; at
h) Isang itim na holster.