Patay ang tatlong katao at maraming iba pa ang nasugatan nang madiskaril ang isang pampasaherong tren sa Germany.

Ayon sa mga awtoridad, nasa 100 ang sakay ng tren nang humiwalay ang dalawang carrariages at napunta sa ibang linya sa mga bayan ng Riedlingen and Munderkingen, malapit sa corner ng Germany na hangganan ng France at Switzerland.

Naglalakbay ang tren sa pagitan ng Sigmaringen at Ulm nang mangyari ang insidente.

Ayon sa mga awtoridad, inaalam na ang sanhi ng nasabing aksidente.

Sinabi ni German national rail operator Deutsche Bahn DBN.UL na marami ang nasugatan at nakikisimpatiya sila sa mga biktima at kanilang mga mahal sa buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, hindi pa malinaw ang sanhi ng insidente, subalit tiniyak ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa kanilang gagawing imbestifasyon.