
Inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na nadagdagan ng dalawang senador ang lumagda sa partial report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng flood control scandal.
Kabilang sa mga pumirma sina Senate President Vicente Sotto III at Blue Ribbon vice chairperson Erwin Tulfo, kaya umabot na sa anim ang kabuuang lagda—tatlo na lamang ang kulang upang maisumite ito sa plenaryo at maging pormal na ulat.
Ayon kay Lacson, may dalawa pang senador na nagpahayag ng kahandaang lumagda, ngunit may ilan umanong nag-aalangan dahil sa impluwensya ng kanilang mga dating kaalyado.
Sinabi rin ni Lacson na pansamantala niyang itinigil ang pagdinig habang hinihintay ang kompletong lagda sa ulat, dahil magiging walang saysay umano ang pagpapatuloy nito kung walang pinal na committee report.
Nauna nang lumagda sina Senador Bam Aquino, Risa Hontiveros, at Kiko Pangilinan.
Sa rekomendasyon ng ulat, iminungkahi ang karagdagang imbestigasyon at posibleng pag-freeze at forfeiture ng mga ari-arian ni dating Speaker Martin Romualdez, na itinanggi ang pagkakasangkot sa isyu
Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson said Thursday two more senators had signed the Senate Blue Ribbon Committee’s partial report on the flood control scandal.










