Photo credit: PNP Cagayan

Naisampa na ang kasong paglabag sa animal welfare act laban sa tatlong lalaki na nagbiyahe ng mga kalapati na nasabat sa barangay San Juan, Santa Praxedes, Cagayan ng madaling araw ng July 3.

Kinilala ang mga ito na sina Edmundo Paderes at Jeffrey Marcos ng Caloocan City at Rexter Puentebella ng Malabon City.

Sinabi ni PMAJ Efren Tangonan, hepe ng PNP Santa Praxedes na nasa 400 na mga kalapati ang sakay ng L300 van.

Ayon sa kanya, nadiskubre ang sakay ng nasabing van matapos na sila ay patigilin sa quarantine checkpoint ng Department of Agriculture sa nasabing bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni tangonan na walang permit to transport ang mga sakay ng van at hindi rin maganda ang pinaglagyan sa kanila na mga kulungan dahil siksikan sila at walang ventilation.

Syon pa kay tangonan, sinabi ng mga suspect na binili nila ang mga nasabing kalapati sa ibat ibang lugar at pakakawalan ang mga ito sa claveria na pininiwalaang ito ay para sa karera.

nasa pangangalaga ng Department of Agriculture ang mga nasabing kalapati.