Naaresto ang tatlong hinihinalang matataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Army at Philippine National Police sa Barangay Manag, Conner, Apayao.
Kinilala ang mga ito na sina Alias Sam, Commanding Officer ng Regional Sentro De Grabidad (RSDG) ng ICRC; Alias Tanya, Political Instructor; at Alias Annie, Organizer at pinuno ng edukasyon ng nanghihinang Guerilla Front, KLG Baggas.
Nakuha din mula sa kanila ang dalawang M16 A1 na rifle na may mga bala, mga granada, pampasabog, at mga personal na gamit.
Ayon kay Major General Gulliver SeƱires, commander ng 5th Infantry Division, ang pagkakahuli sa mga nasabing matataas na opisyal ng NPA ay mahalaga para sa tuluyan nang pagkakabuwag ng natitirang guerilla front sa hilagang Luzon.
Nasa kustodiya ng Philippine Army sa Tabuk City Kalinga ang tatlo para sa custodial debriefing.