
Patay ang tatlong menor de edad matapos bumangga ang kanilang sinakyang motorsiklo sa isang bus sa Cadiz, Negros Occidental.
Bibili sana ng pagkain ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.
Batay sa imbestigasyon, nang makarating ang mga biktima sa Barangay Burgos, inover-take nila ang sinusundan nilang motorsiklo.
Subalit nabigo sila na agad na makabalik sa kanilang linya at nabangga ang kasalubong na bus.
Kaugnay nito, sinabi ng Cadiz City Police Station na inaalam nila ang alegasyon na nasa impluwensiya ng alak ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.
Sinabi kasi ng ilang testigo, uminom umano ng alak ang mga biktima sa kanilang pinanggalingan.
Subalit itinanggi ng mga magulang ng mga biktima ang alegasyon.
Iginiit naman ng driver ng bus na nasa tamang linya siya ng kalsada nang mangyari ang aksidente.
Gayunman, nangako ang bus company na magbibigay ng tulong sa mga biktima.










