Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang tatlong most wanted persons sa magkakaibang lugar sa Cagayan.
Sa Brgy. Cabaritan East, Ballesteros, Cagayan, naaresto ang 20-anyos na binata, tinaguriang regional number four most wanted person dahil sa 11 kaso ng panggagahasa na walang piyansa.
Ang operasyon ay isinagawa ng Ballesteros Police Station sa pangunguna ni PMAJ Val Simangan katuwang ang 3rd Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan PMFC; Provincial Intelligence Unit; at Western Cagayan Maritime Police Station.
Naaresto naman sa Barangay Sta. Barbara, Piat, Cagayan, naaresto ang 40-anyos na lalaki, tinagurian namang provincial number three most wanted person dahil sa dalawang kaso nitong statutory rape na wala ring piyansa.
Ang pag-aresto rito ay pinangunahan ng PNP Piat kasama ang Cagayan Provincial Intelligence Unit, 202nd Maneuver Company ng RMFB2, at 4th Mobile Force Platoon ng 1st Cagayan PMFC.
Panghuli ay sa Brgy. Centro, Abulug, Cagayan, kung saan naaresto ang most wanted person dahil sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na Php180,000.