
Dalawang insidente ng pamamaril ang nangyari sa Sibulan, Negros Occidental kagabi, kung saan tatlong pulis at isang sibilyan ang namatay.
Ayon sa pulisya, ang mga nasabing insidente, na ginawa umano ng isang miyembro ng Sibulan Municipal Police Station, ay nangyari ilang minuto ang agwat sa Barangay Tubtubon, na nagsimula sa loob ng commercial establishment at natapos sa malapit na highway.
Ayon sa mga imbestigador, nangyari ang unang insidente ng pamamaril ng 9:45 kagabi sa loob ng resto bar, kung saan isang sibilyan na kinilala si Shiela Mae Dinaonao ang binaril umano ni Police Staff Sergeant Bonifacio Saycon.
Kalaunan ay dumating ang mga pulis at hinuli si Saycon.
Subalit, habang dinadala si Saycon sa police station gamit ang pribadong sasakyan, nangyari ang pangalawang pamamaril sa highway sa harap ng car showroom sa nasabing ring barangay.
Sa nasabing insidente, sinabi ng Sibulan Municipal Police Station nagpaputok umano si Saycon, na nagresulta sa pagkamatay ni Police Captain Jose Edrohil Cimafranca, Police Master Sergeant Tristan Chua, and Patrolman Rey Albert Temblor.
Sinabi ng pulisya na tumakas si Saycon matapos ang ikalawang pamamaril subalit boluntaryong sumuko ng 10:40 kagabi sa Tanjay City Police Station.
Kinumpirma ng PNP Sibulan na ipinasakamay sa kanilang kustodiya si Saycon kaninang umaga, kung saan siya ngayon nakakulong.
Ipinag-utos na ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) ang pagbuo ng special investigation team na magsagawa ng regional-level probe.
Ipinagpapatuloy naman ng mga imbestigador ng Negros Occidental Police Provincial Office ang case build-up para sa karapat-dapat na kasong criminal at administratibo na isasampa laban kay Saycon.










