Tatlong Tuguegaraoeños na nagbigay karangalan sa lungsod na kabilang sa Topnotcher sa 2019 Respiratory Therapist Licensure Examination ang bibigyang ng pagkilala ng konseho.

Sa draft resolution na isinusulong ni Vice Mayor Bienvenido De Guzman, iminungkahi nito ang pagbibigay pagkilala kina Zyra Addun ng Barangay Ugac Norte, Top 2; Karine Reynante ng Barangay San Gabriel, Top 7; at Maureen Mapiles ng Barangay Ugac Sur, Top 10.

Kasama sa bibigyan ng pagkilala ang patuloy na tagumpay ng Cagayan State Unaiversity (CSU)-Andrews Campus lalo na sa pagpapanatili sa mataas na ranking sa Respiratory Therapist Licensure Examination.

Matatandaang kinilala ng Professional Regulation Commission (PRC) ang CSU sa pagiging Top Performing School sa pagkakapasa ng siyam na graduate mula sa naturang Unibesrsidad ngayong taon.

Ang draft ng resolution of commendation ay pansamantalang ipinasakamay sa comitee on education.

-- ADVERTISEMENT --