Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Basyang nitong Martes ng hapon, ayon sa ulat ng state weather bureau.

Namonitor ang Tropical Depression Basyang sa loob ng PAR bandang alas-5:30 ng hapon.

Dahil dito, magsisimula na ang state weather bureau sa paglalabas ng mga tropical cyclone bulletin dakong alas-11 ng gabi.

Mas maaga ring inihayag na posibleng mag-landfall ang Basyang sa bahagi ng Caraga sa Huwebes ng hapon o gabi.

Dagdag pa ng ahensya, may posibilidad na lumakas ang bagyo at maging isang tropical storm sa Miyerkules o Huwebes.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga nasa silangang bahagi ng bansa, na maghanda at makinig sa mga susunod na abiso para sa mga posibleng epekto ng bagyo tulad ng malalakas na ulan at pagbaha.