Umangat sa ika-21 puwesto ang Pilipinas sa medal ranking sa nagpapatuloy Paris Olympics.

Ito ay dahil sa dalawang gold medals na nakuha ni gymnast na si Carlos Yulo sa floor exercise at vault apparatus event.

Nangunguna pa rin ang United States sa medal tally sa 19 gold at tig-26 na silver at bronze medals, pumapangalawa ang China na may 19 golds,15 silvers at 11 bronze medals, 3rd place ang France na may 12 golds, 14 silvers at 18 bronze medals, pang-apat ang Australia na may 12 golds, 11 silvers at 8 bronze medals at panglima naman ang Great Britain na 10 golds, 12 silvers at 15 bronze medals.

Pang-anim naman ang South Korea, sumunod ang Japan, 8th place ang Italy, pangsiyam ang Netherlands at 10th place ang Germany.