
Hindi isinasara ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang posibilidad na tumakbo sa 2028 elections, bagama’t sinabi niyang mas nais muna niyang tutukan ang kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of National Defense.
Ayon kay Teodoro, maaga pa para magplano tungkol sa 2028 at titingnan na lamang niya ang kanyang mga pagpipilian kapag matatapos na ang kanyang termino bilang Defense chief.
Sinabi niyang nais niyang hanapin kung saan siya mas angkop at kung saan siya makatutulong, kabilang na ang posibilidad na magkaroon ng magandang oportunidad sa hinaharap.
Si Teodoro ay tumakbo na bilang presidential candidate noong 2010.
Iginiit din niyang mahalagang manatiling nakatutok sa kanyang trabaho, lalo na sa mga international forum kung saan kinakatawan niya ang Pilipinas.








