Tuloy-tuloy ang intelligence gathering ng mga awtoridad kaugnay ng pangambang maaaring subukan ng China na impluwensiyahan ang 2028 elections, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Sinabi ni Teodoro na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa law enforcement agencies upang matukoy kung may mga kandidatong sinusuportahan ng China at magsusulong ng interes nito.

Gayunman, iginiit niyang kailangan muna ng matibay na ebidensya bago magbintang laban sa sinuman.

Hinimok din ni Teodoro ang mga botante na suriin ang mga pahayag ng mga kandidato, lalo na sa usapin ng West Philippine Sea, dahil nasa kamay umano ng publiko ang pagpigil sa pag-impluwensya ng mga dayuhang interes sa halalan.

Tinukoy niya ang tinatawag na “Manchurian candidate,” o mga politikong lihim na kumikilos o kontrolado umano ng isang dayuhang kapangyarihan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, wala pang pahayag ang Chinese Embassy sa Maynila kaugnay sa isyu.