
Nasawi ang dalawang holdaper matapos manlaban sa kapulisan sa Brgy. 03 Poblacion, Catbalogan City sa Samar.
Pinasok ng tatlong armadong lalaki ang opisina ng isang terminal ng van sa bayan saka sila nagdeklara ng holdap.
Ayon sa pulisya, nakarinig sila ng putok ng baril mula sa terminal dahil ilang metro lang ang layo nito sa kanilang istasyon.
Mabilis rumesponde ang mga pulis kaya nauwi sa engkwentro ang insidente. Dalawa sa mga suspek ang nasugatan pero binawian din ng buhay sa ospital ang isa kalaunan.
Nakatakas naman ang ikatlong suspek pero napatay rin kalaunan sa hot pursuit operation ng mga pulis.
-- ADVERTISEMENT --









