Dinala sa ospital kanina si dating Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. dahil sa matinding pananakit ng tiyan.

Sinabi ni Atty Ferdinand Topacio, abogado ni Tevez, nakaranas ng pananakit ng tiyan ang dating kongresista buhat kagabi habang siya ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa.

Ayon kay Topacio, binigyan siya ng medical attention kaninang 5 a.m. at dinala sa ospital makalipas ang isang oras.

Tumangging banggitin ni Topacio ang ospital para umano sa seguridad ni Tevez.

Nahaharap si Tevez sa kasong murder, frustrated murder, at attempted murder dahil sa alegasyon ng pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at 10 iba pa noong 2023.

-- ADVERTISEMENT --

Kinasuhan din siya kasama ang maraming iba pa dahil sa umano’y pagpatay sa tatlong katao sa Negros Oriental noong 2019.

Bukod dito, nahaharap din siya sa kasong illegal possession of firearms and explosives sa Manila court.

Binansagan sila ng Anti-Terrorism Council bilang mga terorista, dahil sa mga umano’y pagpatay at harrassment sa Negros Oriental.