Nais ng bansang Thailand na magkaroon pa ng mas malawak na ugnayan kasama ang Pilipinas.

Batay sa inilabas na statement ng Thai Ministry of Tourism and Sports, nais ng pamahalaan ng Thailand na magkaroon ito ng ugnayan sa Pilipinas para mapalakas ang sektor ng turismo at paggawa.

Sa ilalim nito ay nais ng mga Thai officials na lalawak pa ang partnership ng dalawang bansa sa ibat ibang larangan pangunahin na ang mas maraming commercial flights sa pagitan ng Pilipinas at Thailand.

Kinabibilangan ito ng iba’t ibang Thai destinations katulad ng Phuket, Chiang Mai, at Samui. Kabilang naman sa mga lugar sa Pilipinas na ikinukunsiderang magkakaroon ng flight expansion mula Bankok ay ang lungsod ng Cebu at Palawan.

Ang ilang mga opisyal ng Thai Ministry of Tourism and Sports ay bumisita noong huling linggo ng Hunyo dito sa Pilipinas kasabay ng UN Tourism Gastronomy Forum meeting.

-- ADVERTISEMENT --

Dito ay unang nakipag-usap ang mga naturang opisyal kay Department of Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco at inirekomenda ng mga Thai officials ang pagkakaron ng sister city tie-up sa pagitan ng Pilipinas at Thailand.