Nagwish umano at hindi dumura sa lalagyan ng holy water ang content creator na si Thine Medala matapos mag-viral ang kanyang video sa St. John the Baptist Parish Church sa Jimenez, Misamis Occidental.

Na-bash si Medala rito dahil dumura umano ito sa lalagyan ng holy water.

Paliwanag ngayon ng social media personality, kumuha siya ng sobre.

Matapos ito, tumingin siya sa holy water at nag-wish dito.

Nanindigan ang content creator na hindi niya magagawang dumura roon para lang makakuha ng views.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi din aniya siya masamang tao.

Samantala, una nang ipinag-utos ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang pansamantalang pagpapasara sa simbahan matapos ang insidente.