Opisyal nang nagtapos ang Top Level Management Conference 2025 o TLMC na naglalayong ipagpatuloy ang pangunguna at tagumpay sa pagseserbisyo ng Bombo Radyo Philippines.
Ito ay dinaluhan ng mga senior officer, area manager, at mga station managers sa pangunguna ng Chairman ng Bombo Radyo Philippines na si Dr. Rogelio Florete at President at Chief Executive Officer Ms. Margaret Ruth Florete.
Sa temang “LEADER OF UNMATCHED INNOVATION IN RADIO REVOLUTION”, itinampok sa kumperensiya ang commitment ng network sa paghahatid ng superior programming, content at exceptional brand of public service.
Ang isang linggong brainstorming session ay nagbigay ng plataporma sa mga pinuno ng Bombo Radyo Philippines upang talakayin ang mga estratehiya at mga inobasyon para higit pang mapahusay ang programming at operational excellence ng network.
Ang mga pananaw at natutunan mula sa kumperensya ay naglalayong ma-empower ang mga opisyal ng network upang ihatid ang misyon ng Bombo Radyo sa pagbibigay ng maaasahang balita at tamang impormasyon sa mga Pilipino sa buong mundo.
Ipinagdiwang din ng kumperensya ang mga achievements ng Bombo Radyo bilang nangunguna at most trusted radio network in the country kung saan pinatunayan ito ng tatlong independent survey.
Kabilang sa mga survey na ito ay ang Tugon ng Masa (TNM) Fourth Quarter Survey ng OCTA Research na isinagawa mula Nobyembre 10 hanggang 16, 2024.
Ang nationwide survey na ito mula sa 1,200 respondents ay naglalahad na ang Bombo Radyo ay ang tinatangkilik na pinagkukunan ng balita at impormasyon sa mga nasa adult Filipinos.
Kinilala rin ng Pahayag End-of-the-Year Survey ng Publicus Asia, Inc ang Bombo Radyo bilang pinakapinagkakatiwalaang network ng radyo kung saan patuloy na nakakakuha ng mataas na trust rating sa kategorya ng radyo.
Lumabas din sa isinagawang National Survey on Media and Information Literacy of Filipino Youth ng Philippine Information Agency na ang Bombo Radyo ang most trusted News and Information Source sa radio category.
Ang Top Level Management Conference 2025, na ginanap sa Iloilo City mula sa Enero 5 hanggang 11, 2025, ay pinondohan ng Bombo Radyo Philippines.
Tiniyak ng Bombo Radyo na walang political sponsorship o affiliations upang mabayaran ang mga gastos sa kaganapan, kabilang ang pagkain at logistics.
Ang dedikasyon ng Bombo Radyo Philippines sa integridad ng pamamahayag, inobasyon at pakikipag-ugnayan sa komunidad ay sinusuportahan ng 32 fully digitalized AM at FM stations sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng karunungan o wisdom ng mga namumuno at kadalubhasaan ng mga frontliners nito, mananatiling Number One and Most Trusted Radio Network in the country ang Bombo Radyo Philippines at papailanlang ang tagline nitong Basta Radyo….Bombo!!!!