TUGUEGARAO CITY-Labis ang pasasalamat ni Dr.Anna Nicole Guimmayen Delos Santos sa pagkilalang natanggap mula sa konseho ng tuguegarao matapos maging top 2 sa May 2019 Dentist Licensure Examination.

Personal na tinanggap ni Delos Santos ang resolution of commendation na inaprubahan ng konseho ng Tuguegarao.

Si Delos Santos ay nagtapos sa University of Philippines(UP)-Manila bilang Cum laude.

Lumaki si Delos Santos dito sa lungsod ng Tuguegarao kung saan nagtapos siya ng elementarya sa Tuguegarao West Central at sa Tuguegarao Science high school naman sa sekondarya.

Kaugnay nito, sinabi ni Delos Santos na naging hamon sakanya na mas lalo pang magfocus sa pagrereview at mapabilang sa top 2 dahil ang sinundang cum laude sa kanilang kurso noong 2018 ay napabilang din sa Top 2.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, laking gulat niya nang lumabas ang resulta ng naturang pagsusulit nitong buwan ng Agosto.

Sa ngayon, kasalukuyang nagtatrabaho si Delos Santos sa Medical Plaza Makati at plano rin niyang mag-aral ng Master’s degree.