Ipinagmamalaki ng Local Government Unit ng Lasam, Cagayan ang pagkakamit ni Alaiza Agatep Adviento, na mula sa nasabing bayan, ng ikatlong puwesto sa 2025 Philippine Bar Examinations.

Nakamit niya ang kahanga-hangang 91.91% na pangkalahatang marka, kabilang sa top 3 ng libu-libong examinees sa buong bansa.

Ayon sa ulat ng Korte Suprema, 5,594 sa 11,420 examinees ang pumasa sa pagsusulit, na may 48.98% passing rate.

Nagtapos si Adviento bilang batch valedictorian at magna cum laude sa University of Santo Tomas (UST) noong Hunyo 2025.

Nakatalagang isagawa ang oath-taking at signing of the Roll of Attorneys sa Pebrero 6, 2026, sa Philippine Arena.

-- ADVERTISEMENT --