Naaresto ng mga awtoridad ang isang regional top most wanted person sa isang matagumpay na operasyon na isinagawa sa Zone 5, Barangay Taguing, Baggao, Cagayan noong Mayo 10, 2025.
Kinilala ang suspek bilang si alyas Joey, 48 taong gulang, may asawa, isang magsasaka, at residente ng nasabing bayan.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng tatlong bilang ng kasong rape, na walang inirerekomendang piyansa.
Sa ngayon, ang suspek ay nakakulong at isinasailalim sa proseso para sa pagharap sa korte.