Pansamantalang sinuspinde ang mga tourism activities sa bayan ng Tinglayan, Kalinga dahil sa 2019 novel corona virus scare.
Sa bisa ng Executive order, ipinag-utos ni Tinglayan Mayor Sacramento Gumilab ang pagbuo ng Municipal NcoV Task Force na pangungunahan ng alkalde bilang Chairman habang Vice Chairman ang Municipal Health Officer.
Tungkulin ng task force ang pagsasagawa ng information dissemination campaign ukol sa ncov, magsagawa ng Brgy. clean up campaign, mag-establisa ng surveillance mechanism, magsagawa ng monitoring at siguruhin na naipapatupad ang mga protocols sa pagtugon sa naturang outbreak.
Inatasan din ng alkalde ang mga municipal police force, Barangay officials at tanod na magtatag ng checkpoint para matiyak na walang makapasok na mga turista sa Brgy Buscalan.
Kilala ang Tinglayan dahil dito matatagpuan ang pinakamatandang mambabatok sa buong mundo na si Apo Whang-Od at ang magagandang tourist destination nito gaya ng Mt. Mating-oy na kilala sa tawag na sleeping beauty.