Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pag-emergency landing ng isang training aircraft sa Plaridel, Bulacan.

Ayon sa CAAP, napilitan ang Piper Tomahawk na may Tail No. RPC1085 at pag-aari ng Fliteline Aviation na magsagawa ng forced landing dahil sa engine failure.

Ligtas naman ang piloto at crew nito.

Iniimbestigahan na ngayon ang dahilan ng engine malfunction ng training aircraft.

-- ADVERTISEMENT --