TUGUEGARO CITY-Nagsagawa ang Commission on Population (POPcom)-Region 2 ng Training of Trainors may kaugnayan sa Peer Education para sa mga Sanguniang Kabataan (SK)officials.

Ayon kay Herita Macarubbo, Director ng PopCom Region 2, layon nitong makatulong ang 28 SK Officials na dumalo sa naturang aktibidad sa kapwa nila kabataan sa pag-iwas sa teenage pregnancy sa pamamagitan nang pagbibigay impormasyon.

Aniya, maari rin nilang ilaan ang kanilang pondo para maturuan ang mga kabataan sa mga dapat at hindi dapat gawin upang maiwasan ang Teenage Pregnancy, pre-marital sex at marami pang iba.

Ito’y para maituon ng mga kabataan ang kanilang atensyon sa kanilang pag-aaral at para hindi magpariwala.

Kaugnay nito nangako ang mga SK Officials na gagawa sila ng ordinansa para sa ikakabuti ng mga kabataan.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa ang director na magagampanan ng mga SK officials ang kanilang trabaho para sa tuluyang pagbaba ng teenage pregnancy sa Rehiyon.