Sugatan ang isang tricycle driver matapos na barilin siya ng dalawang indibidual na sakay ng motorsiklo sa Barangay Balud, Dalaguete sa Cebu.

Kinilala ang biktima na si Brits Dela Peña, 26 anyos, residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Dalaguete Police Station, sakay ng kanyang tricycle ang biktima papunta sa Barangay Poblacion nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at binaril siya.

Dinala sa ospital ang biktima ay ginagamot na ang tama ng baril sa kanyang leeg.

Nabatid pa ng pulisya na ang biktima ay sangkot umano sa pagbebenta ng iligal na droga.

-- ADVERTISEMENT --

Nagalit umano ang mga suspek sa biktima matapos na bentahan umano sila ng asin sa halip na iligal na droga.

Sa ngayon ay tinutugis na ang dalawang suspek.