TUGUEGARAO CITY-Huli sa aktong pagnanakaw ng kambing ang isang lalaki sa Barangay Libag dito sa lungsod Tuguegarao kahapon, Pebrero 06, 2021.

Kinilala ang suspek na si Jerick Bangibang,24-anyos, tricycle driver at residente ng Brgy. Tagga.

Ayon kay Plt. Franklin Cafirma, tagapagsalita ng PNP-Tuguegarao, nakita mismo ng may-ari ng kambing na si Pito Baccay ang suspek na hinihila ang kanyang kambing na galing sa kanilang farm.

Dahil dito,ipinagbigay alam ng biktima sa kapulisan na malapit sa lugar na agad namang nirespondehan kung saan kanilang naaktuhan ang suspek na isinasakay na ang kambing sa kanyang tricycle.

Sinabi ni Cafirma na dalawang kambing na umano ang unang ninakaw ng suspek sa kaparehong araw ngunit hanggang ngayon ay hind pa nito sinasabi kung saan niya dinala.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang suspek at nahaharap sa kasong pagnanakaw at anti-cattle rustling law.

Tinig ni Plt. Franklin Cafirma

Samantala, iniimbestigahan na rin ng PNP-Tuguegarao ang umano’y nangyaring pagnanakaw sa commercial building sa lungsod.

Sinabi ni Cafirma, nalaman lamang nila sa social media ang naturang pangyayari dahil hindi nagreport sa kapulisan ang biktima.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Cafirma na ireport lamang sa kanilang himpilan kung maging biktima ng pagnanakaw o anumang krimen para mabigyan ng agarang aksyon.