Isang tricycle driver ang nagbalik ng wallet na may lamang pera na nagkakahalaga ng P82,550 at mga ID nito dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Kinilala ni Ma.Carolia Valmonte information officer ng Tricyle Regulatory Unit (TRU) ang tricycle driver na si JohnPaul Lacambra habang ang may ari naman ng pera ay si Cleotilde Ponce.

Ayon kay Valmonte, papunta sana ng Philippine Statistic Authority (PSA) sa Carig si Ponce nang mapansin nitong naiwan ang kanyang wallet sa loob ng sinakyan nyang tricy.

Agad na nagpablotter si Ponce at nagtungo sa opisina ng TRU upang ipaalam ang pangyayari at humingi ng cctv footage dahilan upang maverify nito ang pagkakakilanlan ng driver ngunit dahil wala itong gamit na cellphone ay asawa niya ang kanilang natawagan.

Napansin naman ni Lacambara ang naiwan na pitaka ng may ari kung kayat una niya munang hinatid ang kanyang sumunod na mga pasahero bago ito nagtungo sa opisina ng TRU upang isauli ang pitaka.

-- ADVERTISEMENT --

Pagkarating ni Lacambra sa TRU ay nadatnan niya ang nag mamay ari ng pitaka at ang kanyang asawa kung saan pinangakuhan naman ni Ponce na magbibigay ito ng pabuya sa driver habang mapapabilang din ito sa mga mabibigyan ng insentibo sa programa ng city government dahil sa kanyang ginawang katapatan.