Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sitio Surkok, Barangay Bangbangar, Bangued, Abra nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa paunang imbestigasyon, patungo sana sa Bangbangar Elentary School ang biktima nang bigla itong sundan at pagbabarilin ng gunman.

Dahil sa dami ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, idineklara siyang dead on arrival sa ospital.

Sa insidente, tinamaan rin ng ligaw na bala sa kanang tuhod ang isang estudyante na malapit sa lugar ng pamamaril.

Agad namang dinala sa pagamutan ang sugatang estudyante at kasalukuyang ginagamot.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng suspek.