TUGUEGARAO CITY-Love triangle ang nakikitang motibo sa pagpapaputok ng baril ng isang lalaki upang takutin ang isang tricycle driver sa Lasam,Cagayan.

Sinabi ni Police Master Sgt. Van Richmond Tagabin ng PNP Lasam na sa kanilang pagtatanong sa mga sangkot na sina Edmar Palanggoy,tricycle driver at suspek na si Donald Saguibo,meat vendor na kaya ginawa ng suspek ang pagpapaputok ng baril sa ere malapit sa tricycle driver ay dahil sa kanyang selos.

Ayon kay Tagabin,nagseselos ang suspek nang makita niya na ang pasahero ni Palanggoy ay ang kanyang dating kasintahan.

Narecover ng mga pulis ang baril na .45 na itinapon ng suspek sa damuhan sa gilid ng daan.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na na may asawa ang suspek at ang tricycle driver.