Inakusahan ni dating senador Antonio Trillanes IV sina Vice President Sara Duterte at asawang si Maneses Carpio na tumanggap umano ng malaking halaga ng pera mula sa China sa pamamagitan ng kanilang magkahiwalay na organisasyon.

Ayon kay Trillanes, nakatanggap umano ng P150 milyon ang foundation ni Duterte mula sa Chinese Embassy, habang P319 milyon naman umano ang natanggap ni Carpio sa pamamagitan ng kaniyang kumpanya.

Sinabi ni Trillanes na bahagi ito ng mga ebidensyang nais sana niyang iharap sa impeachment court bago siya alisin sa listahan ng mga testigo ng prosecution.

Iginiit din niya ang alegasyon na may peso at dollar time deposits at insurance si Duterte na hindi umano idineklara sa kaniyang SALN.