Inaprobahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang three-term school calendar para sa mga pampublikong paaralan para sa academic year 2026-2027.

Sinabi ng Malacañang, inilabas ang direktiba batay sa rekomendasyon ng Economic and Development Council sa kanilang pulong noong March 19.

Layunin ng pagbabago mula sa apat na four grading periods sa three-term academic calendar na matugunan ang matagal nang issue ng siksik na schedule dahil sa class suspensions dahil sa mga sakuna at magkakasabay na major events.

Ang first term ay bubuuin ng 54 instructional days at may 10-day assessment period, kabilang ang limang araw na opening block.

Ang second term ay kabibilangan ng 55 instructional days at 10-day assessment period, habang ang third term ay may 61 intructional days bat at anim na araw lamang na assessment period.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng mga opisyal ng Department of Education na ang bagong schedule ay inaasahang makikinabang ang learners sa pamamagitan ng mas mahabang pagtuturo, mababawasan ang lesson fragmentation, at mas maayos na takbo ng mga aralin.

Gayunpaman, mananatili ang sapat na araw ng pasok at sisiguraduhing handa ang mga paaralan sa pagbabago, lalo na sa pagtulong sa mga estudyanteng nahihirapan.

Sabi ng pangulo, bahagi ito ng mas malawak na hakbang ng pamahalaan para palakasin ang kalidad ng edukasyon at gawing mas matatag ang sistema sa gitna ng mga aberya