TUGUEGARAO CITY-Walang naitalang nasugatan at nasa mabuti ng kalagayan ang tropa ng pamahalaan matapos makaengkwentro ang hindi pa mabatid na bilang ng makakaliwang grupo sa bayan ng Buguey, kagabi.

Ayon kay P/capt. Joel Labasan, hepe ng PNP-Buguey, alas syete ng gabi, kagabi , Hulyo 15, 2020, kasalukuyang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang pinagsanib na pwersa ng 14th Battalion Special Action Force (SAF)sa pangunguna ni P/capt Roldan Cortera at 203rd Regional Mobile Force Battalion sa Barangay Villa Cielo nang makasagupa ang makakaliwang grupo.

Aniya, tumagal ang palitan ng putukan ng 20 hanggang 30 minuto.

Sa ngayon, kasalukuyan pang inaalam ng kapulisan kung may nasugatan sa makakaliwang grupo.