
Isang tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang maaaring pumasok sa susunod na linggo at posibleng lumakas bilang isang super typhoon.
Ang tropical cyclone ay huling namataan sa layong 2,845 kilometro silangan ng hilagang-silangang bahagi ng Mindanao, na may pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 kph at pagbugsong hanggang 70 kph.
Kapag ito ay pumasok sa PAR, papangalanan itong “Caloy.”
Ayon pa sa state weather bureau, mataas ang tsansa na maging ganap na bagyo ang low-pressure area (LPA) sa labas ng PAR.
Maaaring makaranas ng pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa, lalo na sa Eastern Visayas.
Sa kasalukuyan, wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Gayunman, may posibilidad na magbago ang direksyon ng bagyo at mababa ang tsansa na ito ay mag-landfall.










